Biyernes, Setyembre 4, 2015



               Ang Dayo sa Maynila

               Hindi siya nakakaintindi ng Ingles; bagamat makikita sa kanya ang pagiging profesyonal at lahing kanluranin. Tanging mga simbolo lamang na nasa  lansangan ang  naiintidihan ng kanyang bagohang isipan.Ang mga karatula’y nasusundan niya ang mga kanluraning titik at tunog ng maaaring bigkas, nananatili lamang ang mga itong simbolong mas nagpapagulo sa tulirong isipan niya.
     
    Sa kalsadang ito, pinilit niyang binibigyang kahulugan ang labirint ng mga pangalan na nasa  kanyang pakiwari’y ito ay salitang ,Tsino, Kano, Pinoy at Kastila.
    
     “Nasaan na ako?”  tanong niya sa sarili; ang sariling tanging kumakausap sa kanya sa sariling wika.
      
    Wala siyang alam sa Tagalog o sa anumang diyalektong kanyang naririnig sa lansangan.Mga tunog ng busina ng sasakyan ang tanging kanyang naiintindihan,mga busina na nagmamadali at tunog ng pagkainip dahil sa bagal ng pagusad ng mga sasakyan. 
    
    Minsa’y may nilapitan siyang kakulay, subalit ang laki ng panlulumo niya nang matuklasan na ang kausap pala’y mula sa kabilang panig ng planeta’t ‘di rin siya naunawaan.
  
“Ano na ang gagawin ko?!  Ano?!”
   
    Maging mga otoridad na kanyang nilapita’y walang nagawa’t ‘di rin naintindihan ang kanyang maluha-luha't desperadong mga daing.

  Nawawalan na siya ng pag-asa.
   
 Nawawala ang lahat ng kanyang ID, pasaporte at anumang puwedeng pagkakilanlan. Wala na ang kanyang bag, pitaka, credit card at pera.  Wala narin ang kanyang cellphone at laptop. Wala na ang lahat nang magising siya sa isang nanlilimahid na motel sa puso ng metro.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento