Ang Dayo sa Maynila
Hindi siya nakakaintindi ng Ingles; bagamat makikita sa kanya ang
pagiging profesyonal at lahing kanluranin. Tanging mga simbolo lamang sa lansangan ang naiintidihan ng kanyang bagohang isipan.Ang
mga karatula’y nasusundan niya ang mga kanluraning titik at tunog na maaaring
bigkas, nananatili lamang ang mga itong simbolo na mas nagpapagulo ng kanyang tulirong
isipan niya.
Sa kalsadang ito, pinilit niyang binibigyang
kahulugan ang labirint ng mga pangalan sa kanyang pakiwari’y ito ay salitang ,Tsino,
Kano, Pinoy at Kastila.
“Nasaan na ako?” tanong niya sa
sarili; ang sariling tanging kumakausap sa kanya sa sariling wika.
Wala siyang alam sa Tagalog o sa anumang
diyalektong kanyang naririnig sa lansangan.Mga tunog ng busina ng sasakyan ang
tanging kanyang naiintindihan,mga busina na nagmamadali at tunog ng pagkainip
dahil sa bagal ng pag-usad ng mga sasakyan.
Minsa’y
may nilapitan siyang kakulay, subalit ang laki ng panlulumo niya nang
matuklasan na ang kausap pala’y mula sa kabilang panig ng planeta’t ‘di rin
siya naunawaan.
“Ano na ang
gagawin ko?! Ano?!”
Maging mga otoridad na kanyang nilapita’y
walang nagawa’t ‘di rin naintindihan ang kanyang maluha-luha't desperadong mga
daing.
Nawawalan na
siya ng pag-asa.
Nawawala ang lahat ng kanyang ID, pasaporte
at anumang puwedeng pagkakilanlan. Wala na ang kanyang bag, pitaka, credit card
at pera. Wala narin ang kanyang cellphone at laptop. Wala na ang lahat
nang magising siya sa isang nanlilimahid na motel sa puso ng metro.

pagiging profesyonal at lahing kanluranin. Tanging mga simbolo lamang na
nasa lansangan ang naiintidihan ng kanyang bagohang isipan.Ang
mga karatula’y nasusundan niya ang mga kanluraning titik at tunog ng maaaring
bigkas, nananatili lamang ang mga itong simbolong mas nagpapagulo sa tulirong
isipan niya.
Sa kalsadang ito, pinilit niyang binibigyang
kahulugan ang labirint ng mga pangalan na nasa kanyang pakiwari’y ito ay salitang ,Tsino,
Kano, Pinoy at Kastila.
“Nasaan na ako?” tanong niya sa
sarili; ang sariling tanging kumakausap sa kanya sa sariling wika.
Wala siyang alam sa Tagalog o sa anumang
diyalektong kanyang naririnig sa lansangan.Mga tunog ng busina ng sasakyan ang
tanging kanyang naiintindihan,mga busina na nagmamadali at tunog ng pagkainip
dahil sa bagal ng pagusad ng mga sasakyan.